Inilabas na nga ng ABS-CBN ang pinakaabangang 2019 Christmas Station ID ng Kapamilya Network.
Tulad ng inaasahan mapapanood sa Pamaskong Station ID o ang #FamilyIsForever, #ABSCBNChristmasStationID2019 at ABS-CBN ang mga naglalakihang artista ng network.
Kabilang sa mga ito ay sina Coco Martin, Charo Santos-Concio, Susan Roces at marami pang iba.
Sa kabila ng sangkatutak na artista ay hindi nakaligtas sa mga mata ng netizens ang pagkawala sa Station ID ng aktres na si Angel Locsin.
Nagpahayag ng pagkalungkot ang mga fans ng aktres nang hindi masilayan ang presensya ng idolo.