Angel kay Parlade: Linisin mo pangalan namin!

Umapela ang aktres na si Angel Locsin kay Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade na linisin ang pangalan nito at mga kapatid na ikinakabit sa makakaliwang grupo.

Giit ni Locsin dapat ay linisin ang pangalan nila ni Parlade kabilang ang kapatid nitong si Ella Colmenares.

Nagpahayag rin ng pangamba si Angel sa kanilang kaligtasan dahil sa pagkakakaladkad niya at kapatid sa makakaliwang grupo.

Nanindigan si Angel na wala itong kaugnayan sa komunistang grupo.

Tumutulong lang aniya siya sa mga taong inaabuso pero hindi ibig sabihin nito ay komunista na sya.