Angel, Anne nagbebenta para sa COVID-19 testing

Angel Locsin Anne CurtisBinibenta ni Kapamilya actress Angel Locsin ang kanyang sports utility vehicle at luxury bag naman kay Anne Curtis para makalikom ng pondo sa coronavirus testing.

Ang 2015 Dodge Durango ni Angel ang unang item for sale sa “Shop & Share” project na naglalayon na i-cover ang expense ng testing kits ng mga underprivileged.

Makikita rin na onsale ang Chanel Cruise Boy North South Handbag 2019 ni Anne sa Instagram ng fund raising project.

Ilan pa sa mga celebrities na kalahok sa nasabing project ay sina Bea Alonzo, Dimples Romana, Dingdong Dantes, Joshua Garcia, Regine Velasquez at iba pa.

Ang “Stop & Share” ay unang ginawa noong 2009 para tumulong sa mga nasalanta ng Typhoon Ondoy.