“Ang Babaeng Allergic Sa Wifi” may Chinese remake

Noong Miyerkoles, November 12, inanunsiyo ni Direk Jun Robles Lana na magkakaroon ng Chinese adaptation ang “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi.”

“So happy that finally we closed the deal for a Chinese language remake of #TheGirAllergicToWiFi (#AngBabaengAllergicSaWiFi)!” tweet ng direktor.

Ang Babaeng Allergic sa Wifi

Makikita rin na ni-repost ng cast na sina Sue Ramirez, Jameson Blake at Markus Patterson ang anunsiyo ni Direk Lana sa kanilang Instagram story.

Ang pelikula ay tungkol sa isang babaeng nagkaroon ng sakit na hindi maaaring humawak ng gadgets.

Unang ipinalabas ang “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi” noong 2018 sa Pista ng Pelikulang Pilipino at ngayon ay mapapanuod na sa streaming service na Netflix.