Andrea Torres nagparining kay Derek Ramsay

Nagkaroon ng espekulasyon ang mga netizen sa cryptic post ni Andrea Torres na pinapatamaan niya ang ex-boyfriend na si Derek Ramsay.

Recently, nagbigay ng statement si Derek na nakipag-break siya kay Andrea over the phone.

Nitong Biyernes, nag-post ang Kapuso actress ng black and white photo leaning back on a chair habang nakapikit ang mga mata.

“Keep calm and let karma finish it,” caption ng aktres.

Sey ng fans, ang post ay kaugnay sa kung paano naghiwalay silang dalawa ni Derek na tumagal din ng mahigit isang taon.

“Yung sa amin ni Andrea… may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship, our views on this, sa problemang ‘yon, yung values namin, ng isa’t isa, (are) not the same,” rebelasyon ni Derek sa interview nito with veteran showbiz news anchor Cristy Fermin sa One News PH.

“Ako yung nakipagkalas… Ako ang nag-bring up and she agreed. Hindi (personal), sa phone po namin,” dagdag pa ng hunky actor, na pinagsisihan naman niyang nakipag-break siya through call.

Nag-advice naman ang mga netizen kay Andrea about moving on sa breakup nila ng kapwa Kapuso star. After ng breakup, ngayon lang nagsalita si Andrea since November last year.