Sa gitna ng quarantine sa bansa, may bagong hobby ang couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Sa Instagram, binahagi ni Andi ang kanilang picture ni Baby Lilo at Philmar na hawak ang nahuling isda.
“We’ve all somehow picked up a new hobby or found a new passion during this time, somehow! @chepoxz’ is spearfishing!”
Ang spearfishing ang isa sa kinabubuhay ng lokal sa Siargao.
Ngunit dahil sa coronavirus, ang mga nahuhuling isda ay inuuwi na lang sa kanilang mga pamilya.
“I am so grateful to be one of those. Suddenly, pinaksiw tastes a hundred times better, because the fish is caught for me.”