Andi Eigenmann nag-viral sa bitbit na balde

Viral ang photo ni actress Andi Eigenmann habang hawak ang malaking balde habang nakasakay sa motor na minamaneho ng kanyang asawang si Philmar Alipayo.

Humanga ang mga netizen sa pagsulyap nila sa simple buhay ng aktres na pinost ng Facebook user na si Contessa Aubrea Paraico – Carnaje nitong Linggo, June 7.

Andi Eigenmann balde

Nakita ng uploader ang walang “kyeme” na pagbitbit ni Andi ang napakalaking balde na halos kasing laki niya.

“Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby nya.

Still gorg and classy bisan indi magporma!

#SimpleLife #IslandGirl,” caption ng netizen.

Sa ngayon ay nasa 96,000 reactions at 54,000 shares na ang inabot ng nasabing post.

Ang nasabing larawan ay umabot na kay Andi at comment niya, “When I want to buy things, I have to hold it and pray I don’t drop it cuz patay tayo kay @chepoxz (Philmar).”

Binabahagi ni Andi ang kanyang “Isla Life” sa Siargao sa Instagram at YouTube.