Andi Eigenmann children

After four months ay nagkita na muli si Andi Eigenmann at ang anak niya kay Jake Ejercito na si Ellie sa Manila.

Ang nasabing reunion ay birthday gift para kay Andi, na nag-celebrate ng kanyang 30th birthday, nitong June 25.

Sa Instagram, shinare ni Andi ang picture niya kasama ang dalawa niyang anak na si Ellie at ang bunso na si Lilo.

“Spent my 30th birthday with my 2 best girls,” caption niya sa kanyang post.

Dagdag pa niya, “Papa is not with us at the moment and we miss him, but so grateful to have had the opportunity to finally be with Ellie after so long!”

Nag-stay si Ellie sa kanyang ama na si Jake sa buong span ng community quarantine sa Manila, habang si Andi at Lilo, kasama ang kanyang partner na si Philmar ay nasa Siargao.

“We may not be on the island but nothing beats having both my kiddos in my arms!”