Anak nina Ely Buendia, Francis M nagpasiklaban

Kung dati ay ang mga sikat na singer na si Ely Buendia ng Eraserheads at master rapper na si Francis Magalona ang tinitilian, iba na ngayong henerasyon.

Arkin Magalona & Eon Buendia
Eon Magalona & Arkin Buendia

Napatunayan ito ng kanilang mga tsikiting na sina Arkin, anak ni Ely at Eon naman ni Francis M na dating kasama sa collaboration ng kanilang mga ama sa “Superproxy 2k6” music video.

Ang dalawang bata noon ay unang nagkasama sa MTV ng ‘Superproxy.’

Pero sa pagkakataong ito ay nagkasama ang dating tinaguriang ‘Superproxy’ babies at nag-perform sa vinyl launch ng “Ultraelectromagneticpop!” ng Eraserheads at pinagkaguluhan ng publiko.

Tinugtog ng dalawa kasama ang banda ni Eon na “Nobody’s Home,” ang kantang ‘Superproxy.’

Kapwa may career sa musika ang dalawa. Si Arkin bilang isang R&B artist habang si Eon ay lead vocalist ng nabanggit na banda.