Anak ni San Miguel boss Ramon Ang namayapa na

Ramon Ang sonInanunsiyo ni San Miguel Corp president at CEO Ramon Ang na namayapa na ang kanyang anak na si Jomar nitong Abril 11.

Si Jomar Ang ang tumatayong chief financial office ng kompanyang RSA Motors, na official distributor ng BMW cars sa bansa.

Isang pribadong funeral service ang ginanap noong Easter Sunday, Abril 12.

“Jomar was a dutiful, loving, and kind-hearted son. He was a source of great joy to us and we are truly blessed to have had his love and presence in our lives. We know in our hearts that he is in a much better place now.”

Noong Enero 12, napabalitang sinugod sa St. Luke’s Medical Center ang 26-anyos na malubha na umano ang kondisyon.