Anak ni Melanie Marquez, Top 12 sa Miss World

Michelle DeeHindi nakapasok sa Top 5 ng Miss World 2019 ang Philippine representative na si Michelle Dee.

Kinoronahan si Toni-Ann Singh ng Jamaica bilang Miss World noong Sabado, Disyembre 14.

Sina Ophely Mezino of France at Suman Rao of India ang 1st at 2nd runner up.

Bago ang coronation night ay may sure spot na sa top 40 si Michelle matapos ang head-to-head challenge sa iba pang contestant.

Hinirang naman na Autism Society Philippines Goodwill Ambassador sa kanyang adbokasiya tungkol sa autism.

Si Michelle Dee ay anak ni Miss International 1976 Melanie Marquez.