Anak ni K Brosas, nag-out as Lesbian

Sa 45th birthday ni comedian K Brosas, nag-out ang kanyang unica hija na isang lesbian.

Ni-reveal nila ito sa isang tell-all vlog sa kanyang YouTube channel.

Ang revelation ay regalo niya kay Crystal, kahit na siya ang may birthday.

Ayon kay K, matagal na niyang alam ang sexual preference ng kanyang anak, noong high school pa lamang ito.

“Sa mga nagtatanong, matagal ko ng alam. High school pa lang alam ko na ‘yan bilang nanay.

“Anak kahit ano pa, kahit halamang dagat ka pa ,mamahalin kita kasi that’s you know, unconditional love bilang magulang eh,” dagdag ng comedian.

Alam ni K na magkakaroon ng negative reactions ang mga tao sa revelation na ito, ngunit aniya, “mas importante kaligayahan ng anak ko eh. Ito ang gusto niya so wala kayong pakialam.”