Anak ni Divine Lee bininyagan via Zoom

Bininyagan ang anak ni Divine Lee at Blake Go via Zoom nang ma-postpone ito dahil sa COVID-19.

Divine Lee daughter

“Today is the epitome of the new normal. We had @blancaleego blessed together with our friends and family via Zoom,” caption nito sa pictures ng online blessing ni baby Blanca.

Aniya, dapat sana ay bibinyagan si Blanca sa susunod na buwan kasabay ng birthday ng kanilang anak na lalaki na si Baz. Ngunit gusto na niya itong ma-blessed para siya ay mapanatag.

Nag-suggest naman si Fr. Tito Caluag ng online blessing via video conferencing app na Zoom pansamatala.

“The first for all of us but none the less as special. We need all the prayers for our little ones. Not just to protect them from harm but also, after all this, to give them a better world.”

Pangako nito na bibigyan niya pa rin ng ‘proper baptism’ si Blanca pag kaya na ng sitwasyon.

Si Bianca ang ikalawang anak ni Divine na pinanganak noong October 2019.