Hindi hadlang ang kahirapan para tuparin ni Fahadale Abbas ang maging isang pulis nang pumasa at hinirang na top 1 sa criminology board exam.
Nakakuha ng 91.20% ang Davaoeño, at nanguna sa 19,000 na nakapasa, sa mahigit na 43,000 na kumuha ng exam noong November 2019.
Ang kanyang mga magulang ay magsasaka at hindi na kayang magbayad ng kanyang tuition kaya nakatapos si Fahadale ng pag-aaral sa pamamagitan ng Scholarship on Tertiary Education Program (STEP) sa Davao.
Kahit na siya ang top 1 sa board exam, gusto pa rin niyang maglingkod sa bayan ng Marilog upang magpasalamat sa scholarship na pinagkaloob sa kanya ng Davao at ng eskuwela na tumulong sa kanya.