Nagpositibo ang American singer-songwriter Christopher Cross sa coronavirus, at ayon sa kanya ito ang ‘worst illness’ na nagkaroon siya.
“Dear Friends, I’m sorry to report that I am among the growing number of Americans who tested positive for the COVID-19 virus,” ayon sa kanyang Facebook post noong April 3.
Sa ngayon ay nasa bahay nagpapagaling ang singer at hindi nito alam kung paano niya nakuha ang sakit.
Hinihikayat niya ang publiko na huwag maniwala na ang sakit na ito ay isang ‘hoax’ o parte ng conspiracy.
Si Cross ay multiple Grammy award winner at sumikat sa kanyang mga hits na ‘Sailing’ at ‘Arthur’s Theme’.