Hindi muna magsho-shooting ang CBS’ ‘The Amazing Race’ dahil sa pagkalat ng coronavirus.
Sa statement na inilabas ng CBS, isa itong precautionary measure na suspendihin ang kanilang production dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus.
Sikat ang show na ‘The Amazing Race’ sa pagkarera nito sa buong mundo para makakuha ng cash prize.
Naka-tatlong episodes na sa 33rd season ang show ng ipatigil nila ang produksyon.
Wala pang petsa kung kailan magbabalik ang kanilang shooting.