Alodia, Wil nag-sorry sa TikTok video

Nag-sorry sina vlogger Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich sa kanilang TikTok clip na nag-viral dahil sa ‘toxic masculinity.’

Itinanggi ng dalawa na sinusuportahan nila ang patriachy belief na kung saan kino-control ng lalake ang damit ng babae.

Ang TikTok video na inupload sa account ni Alodia ay ang “My Heart Went Oops’ challenge na magta-transform ang isang babae mula sa regular na ayos ay magiging fashionista.

Sa kanilang video na ginawa, nagsasayaw si Alodia na naka dark top at unzipped jacket ngunit ng mag-transform na ito ay lumitaw ang topless na si Dasovich at nakasarado na ang jacket ng una.

“The joke here is that instead of her being revealed, it’s her with her clothes on, it’s not revealing. It’s the twist cause you’re expecting her to have no clothes, but instead, she has clothes,” paliwanag ni Wil.

“The meme is of the girl undressing, she’s baiting the guy. The joke is not about me controlling what she wears, the joke is that you’re not gonna see this today,” dagdag nito.

Nilinaw naman ni Alodia na siya ang nakaisip na isarado ang kanyang jacket sa huling parte ng video.

Ayon pa kay Wil, hinahayaan niyang manamit ng kahit ano si Alodia, na sikat na cosplayer o costume player.