PASABOG na naman ang patikim ng aktres na si Alice Dixson sa kanyang vlog.
Ipinasilip ni Alice sa kanyang Instagram account ang isang kuha kung saan ay napapalibutan siya ng cannabis o marijuana.
May caption itong: This photo was taken on a cannabis farm. Yes marijuana! I look like a der in the headlights. Hundreds of plants so tall, all different sativa & indica strains; some maybe 9-10 feet tall.
Sabi pa ni Alice sa kanyang IG post na kinailangan niyang umakyat ng bundok kasama ang pinsan para sa nasabing kakaibang karanasan.
Tuwang-tuwa naman ang mga followers ni Alice sa kanyang post kung saan ay marami ang nagsasabing panahon na para ilegalisa ang paggamit ng marijuana bilang herbal medicine.
Bagama’t marami ang pabor sa kanyang post ay may isang netizen ang nanakot sa aktres at sinabihan siyang andyan na ang PDEA.