Alice Dixson may pambatong tsaa

Mahusay na aktres at marami pang positibong katangian ang aktres na sj Alice Dixson.

Pero panalo ang nadiskubre at ibinahagi nya sa kanyang Instagram account na paggawa ng tsaa gamit lamang ang napitas na bulaklak sa Tagaytay.

Ibinahagi ng aktres ang nadiskubre nyang tsaa gamit ang bulaklak ng gumamela o hibiscus sa English.

Ipinakita ng aktres ang proseso ng paggamit ng gumamela at sa isang iglap ay ininom na nya ang makulay nq tsaa na nilagyan lamang nya ng kaunting honey para lalong sumarap.

Swak na swak ang paghigop ng aktres ng tsaa habang ito ay nasa malamig na Tagaytay.