SEKSI at sobrang gandang Alice Dixson ang makikita sa Instagram account ng aktres bilang bahagi ng kanyang birthday post.
Hindi man ito makikita ng buo dahil nakaupo ito pero maaninag ang kanyang kaseksihan at kagandahan sa kulay old rose na suot na swimsuit.
Nagdiwang si Alice ng kanyang ika-51st birthday noong July 28. Pero dahil may umiiral pang quarantine bunsod ng COVID crisis ay hindi niya naisakatuparan ang mga nakasanayang gawin tuwing nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan.
Kabilang dito aniya ang kanyang outreach program para sa mga bata at matatanda.
Dahil pandemya ay bumawi ang aktres sa mga frontliner at namigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga kababayang unang humaharap sa mga kababayan nating nadadale ng virus.