Alex Rodriguez enjoy sa pa-impress ng anak ni JLo

Sa gitna ng self-quarantine dahil sa coronavirus, masaya ang bonding nina Jennifer Lopez at kanyang fiancé na si dating baseball superstar Alex Rodriguez kasama ang kanilang mga anak.

Sa post ni JLo sa kanyang Twitter account, nag-share ito ng video kung saan nagmensahe ito ng:

“We can’t go out to any restaurants or anything but the service and entertainment here is pretty good…” Sa naturang video, nag-serve ang 11-anyos na anak na lalaki ni J.Lo na si Max ng drinks para kay A-Rod habang nakasakay sa kanyang hover board.

Nagpasikat at nag-exhibition pa si Max habang isine-serve ang drinks ni A-Rod na tinapos nito sa pagtalon sa swimming pool.

Sa video, hindi nakita si J.Lo pero dinig ang pagtawa nito na enjoy na enjoy sa ginawa ng kanyang anak. Si J.Lo ay may kambal na anak na sina Emme at Max habang si Alex ay may 2 namang anak na babae na sina Natasha, 15 at Ella, 11.