Nakatanggap ng backlash si Alex Gonzaga dahil sa pagpo-post ng fake news sa Twitter.
Pinost ni Alex ang isang forwarded message tungkol sa nakukuha umano ang COVID-19 kapag namimili ng grocery.
Una nang itinanggi ng Philippine General Hospital ang nasabing haka-haka.
Isang netizen ang nag-tag kay Alex tungkol sa PGH advisory, kasama nito ang screenshot na pinost nito.
Ani ng netizen, bago sana nagpost si Alex ay pinag-isipan niya muna ito.
Agad namang humingi ng paumahin si Alex at dinelete na niya ang kanyang tweet.
“Hi yes! Sorry i deleted it na! It was forwarded kasi from a friend na may contact sa doctors. Pasensya na.”