Alex Gonzaga, Mikee Morada ikinasal na

Ikinasal na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Isang simpleng wedding ceremony sa bahay nina Alex sa Tatay, Rizal noong Nobyembre ito ginanap.

“Kinasal na po kami. Isa na po akong misis. Isa na po akong maybahay, isa na po akong wife,” sey ni Alex sa vlog niya nitong Linggo.

“November kami kinasal ni Mikee. Dito kami kinasal. Simple lang, kasama lang yung family and parents namin,” dagdag pa niya.

Inexplain ni Alex kung bakit hindi nila ito isinapubliko agad. “It’s because we wanted to celebrate together as a family muna. Alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it to ourselves for a little while to celebrate.”

“Kasi siyempre, yung nangyayari ngayon, it’s very uncertain. Hindi natin alam kung kailan matatapos ang pandemic. Siyempre gusto namin to seal the deal na nandito kaming lahat.”

Promise naman ni Alex na gagawa siya ng another vlog about their wedding day at kanilang married life so far.

“Ipapakita ko naman sa inyo iyan soon, kung ano talaga ang nangyari sa wedding namin. We just wanted to thank our family kasi the moment we said na we are gonna get married, they were all very supportive. Yung immediate family, pumunta sila dito.

“Ipapakita ko din sa inyo kung paano yung setup namin ni Mikee as a new married couple. Medyo iba yung situation namin ni Mikee. Hindi kami talaga magkasama sa bahay. Weekends lang kami magkasama kasi may work din siya sa Lipa.”

Si Alex, 32, ay na-engage kay Morada noong January 2020 after four years of relationship.