Determinado si Alex Gonzaga na maging mabuting asawa sa kanyang fiance na si Mikee Morada.
Kaya naman, nagdesisyon siyang matuto paano mag-bike sa tulong ng celebrity triathlete and singer Jennylyn Mercado.
Sa bagong vlog ni Alex na-reveal na bata pa lamang si Jennylyn ay marunong na itong mag-bike dahil hinihiram nito ang bisikleta ng kanilang kapit-bahay.
Dahil hindi marunong mag-balance si Alex, gumamit na lang siya ng kiddie bike na may apat na gulong.