Alex Gonzaga, Matthaios nag-rap battle sa Twitter

Sinagot ni Alex Gonzaga si singer Matthaios matapos itong magbigay ng negatibong komento sa kanta niyang Chambe at AMFEE sa Twitter.

Nagkaroon ng rap battle series ang dalawa dahil sa tweet ni Matthaios nitong Lunes, June 8.

“Ewan ko na lang ah, pero I just heard yung song na ‘AMFEE’ and I think she was facing the mirror nung kinakanta niya ‘yon. Lol, jk!” tweet ni Matthaios.

Ni-repost naman ito ni Alex at sinabing, “Please. SMH” (So Much Hate).

Next day, naglabas ng short video si Alex habang nagra-rap at pinapatamaan ang singer.

“Ugh! Ako si Alex G, the best sa country. ‘Di ako nagpe-pretend ‘coz I’m the real, freakin’ deal. May mga pa-conyo. Yes sir, yes sir. Oy! Matthaios wag ako. Talo ng jeje ang conyo.”

Hindi rin nagpatalo si Matthaios, at binanatan naman ang Chambe song ni Alex.

“Hollup wait! Sino ka nga ulit? Eh yung Chambe mo nga hindi naman malupet. Bakit nga ba sa tingin mo sa tingin mo ay ikaw ang mas angat? Eh sa vlogs ka lang naman kasi talaga sikat. So girl, just sit down and put on your makeup. ‘Coz shade is said. Will the real artist please stand up, please stand up. Beh!”

Nag-post ulit ng panibagong clapback si Alex, sa kantang Catriona, na pinasakit ni Matthaios.

“Ikaw ngang bata ka makinig ka ha. Una sa lahat sa nagawa mo nang kanta. Ikaw na ba ay nagbayad na kay Catriona? Ikaw kasi gumamit sa sikat ika’y sumabit. Ang tawag niya sayo Mr. Universe na pangit. At least ako sa Chambe, alam ito ni Seve. approved pa nga ni Toni. Ha, kamag-anak eh. Break it down, yo!”