Alex Gonzaga, Lipa Councilor Mikee Morada engage na

Kumpirmado ng engaged sina Alex Gonzaga at Lipa Councilor Mikee Morada na inanunsiyo ng huli sa kanyang Instagram story.

Nag-post si Alex sa kanyang Instagram na tila nagpapahiwatig na sila ay engaged na dahil sa malaking singsing na nakasuot niya.

“Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you Jesus!”

Bumati na ang ilang celebrities ng ‘congratulations’ sa comment section ng nasabing post.

Viral na sa Twitter ang 32nd birthday dinner ni Alex kung saan kinumpirma ni Mikee na sila ay engage na.

Ilang netizens din ang nakapansin na pareho ang OOTD ni Alex sa engagement post niya nitong Huwebes at ang suot niya noong nasa Hong Kong trip.

Suspetsa ng ilang fans, sa Hong Kong nag-propose si Mikee kay Alex, dahil sa pareho ang suot ni huli sa post nitong Huwebes at ang kanyang OOTD post noong December sa kanilang bakasyon kasama ang kanyang mga magulang.