Alex Gonzaga, fiancee at pamilya nadale ng COVID

INAMIN ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga na ang kanyang pamilya ay tinamaan ng COVID-19 kasama ng fiancé Mikee Morada.

Ibinahagi ni Alex sa kanyang vlog ang pangyayari kung saan ay sinabi nitong nagmula ang virus matapos na bumili ng pagkain sa labas ng bahay ang isang miyembro ng kanilang pamilya.

Ang pangyayari rin ang naging dahilan kaya hindi nakalabas si Alex sa kanyang bagong noontime show sa TV 5.

“Maraming nagtatanong sa akin kung bakit di pa ko lumalabas sa Lunch Out Loud. Hindi po ako nagpapakita sa show kasi nagka-COVID po ako and thank God ako ay naka-survive. Actually the whole Dahil sa COVID ay marami ani Alex nabulilyaso sa kanilang plano kabilang ang wedding preparation.

“Gusto ko ikasal ngayon kasama ‘yung family, konting friends pero dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay, nakuha namin COVID,” ani Alex.

Ani Alex ang mga magulang nito na sina Pinty at Bonoy Gonzaga ay pawang asymptomatic habang siya si Mikee at assistant na si Sofie ay nakaranas ng mild symptoms gaya ng sore throat, walang panlasa, panghihinat at baradong ilong.

Gayunman ay wala aniya sa kanilang kailangang maospital.