Balik sa TV-5 ang TV host comedian na si Alex Gonzaga.
Matatandaang galing si Alex ng TV 5 bago lumipat sa kuwadra ng ABS-CBN kung saan ay gumanda naman ang kanyang career dahil sa dami ng programang ibinigay sa kanya.
Pero dahil sa hindi pag-renew ng prangkisa ng Kapamilya Channel ay isa si Alex sa nawalan ng career kaya heto na uli siya sa TV-5.
Kumpara sa dati niyang papel sa TV-5 ngayon ay nasa ilalim siya ng pangangasiwa ni dating Congressman Albee Benitez na blocktimer sa TV-5.
Maliban kay Alex ay maraming iba pang celebrity itong kasama galing sa ABS-CBN gaya nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Billy Crawford, Korina Sanchez at iba pa.