Paolo Alessandra Through Night and Day

Trending sa social media ang movie nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis na “Through Night And Day”.

Instant topic ito nang ipalabas ito sa Netflix at pumatok sa mga viewers.

Pinuri ng mga netizens ang kuwento ng pelikula at akting ng mga bida.

Una nang nagpasalamat si Paolo sa kanyang Instagram sa lahat ng nakapanood ng TNAD.

Pasok sa Top 10 Movies ng Netflix ng Pilipinas ang “Through Night And Day” at isa pang pelikula niya na “Ang Pangarap Kong Holdap.”

Ayon naman sa kay Alessandra, ‘answered prayer’ sa kanya ang TNAD noong wala siyang trabaho noong 2018.

“Walang-wala ako nu’ng time na yun! Ipinagdasal ko kay Lord magka-work,” tweet ng aktres.

Ang 2018 film ay tungkol sa isang couple na sinubok ang relasyon ng pumunta sila sa Iceland.