Sumakay ang premyadong aktres na si Alessandra de Rossi sa kontrobersyal na synthetic white sand na ikinalat sa bahagi ng Manila Bay bilang bahagi umano ng rehabilitation program ng gobyerno sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
“Pakibilis-bilisan naman ang paglatag ng white sand sa Manila Bay para sa mental health ng lahat. Baka sakaling wala nang magutom dahil busog na sa view,” patama ni Alessandra na may hashtag na #ayudaparamasa.
May post pa ito sa twitter na: Ako din.
Naka-allocate din lahat for 2020! But I moved all my shoots to 2021 because I cannot risk the lives of others.
Pandemic eh. For now, unahin ko dapat kong unahin. Saka na yung alulod namin. Tulungan natin mga taong nangangailangan.
Magtulungan tayo! Kung sino may budget!”
Niresbakan ito ng isang @Pinkmartini0923 at ganito ang sinabi: Mga bobo! Naka allocate na ang budget nyan wala pang covid..
Kaya nga hini hearing pa ang budget kasi di yan mababago… Buti nga ang gobyerno tuloy tuloy trabaho kahit my pandemic.”