Alden Richards endorsements

MAY nanalo na nga yata sa paramihan ng commercial sa mga kalalakihan.

Ito ay ang Kapuso star na si Alden Richards na naglabas ng bagong endorsement.

Si Alden ang bagong endorser ng Tide Insta Brite laundry detergent.

Kaya naman sobrang saya ng kanyang mga follower na nagsama-sama para mag-ingay sa social media patungkol sa bago nitong endorsement.

Bongga si Alden dahil sa kabila ng pandemya ay buhos ang proyektong dumadating sa kanya kaya’t binansagan itong ‘king’ ng commercial.

Maliban sa Tide ay sandamakmak na endorsement pa ang ginawa ng Pambansang Bae.