Alden Richards fans pasabog ang birthday gift sa idolo

Ibang level ang paghanga ng milyon-milyong fans ng tinaguriang Pambansang Bae na si Kapuso star Alden Richards sa kanyang 28th birthday nitong Enero 2.

Ito ay dahil sa naglalakihang LED billboards sa ilang bahagi ng Metro Manila at maging sa Cebu.

Ganun katindi ang pagmamahal kay Alden ng kanyang mga fans.

Sa ulat ay napag-alamang sa tatlong LED billboard’s ipinaabot ng mga fans ang kanilang pagbati sa kanilang idolo.

Ang mga LED billboard na naglalaman ng pagbati sa aktor ay nasa Fuente Osmeña, Cebu City habang ang dalawa na nasa Metro Manila ay natunghayan sa  Forum Robinsons, Mandaluyong at sa Guadalupe, Makati.