Alden Richards at Bea Alonzo magkasama sa Thailand

Spotted ang Kapuso actor Alden Richards at Kapamilya actress Bea Alonzo na magkasama sa Thailand airport.

Isang social media user ang nag-post ng kanilang picture at videos sa Suvarnabhumi Airport.

Bea alonzo and alden richardat Suvarnabhumi Airport Thailand 🇹🇭😍Starstruck kaayo ko.. Sige nalang kog ngisi😁

Posted by Jenifer Maglangit Madridano Patagnan on Sunday, 2 February 2020

“My gosh, Bea Alonzo and Alden Richards at Suvarnabhumi Airport Thailand. Na-starstruck lang jud ko,” caption ng netizen sa kanyang Facebook post.

Suspetsa ng mga netizens, magkakaroon ng collaboration ang dalawa.

Sa isang interview, nasabi ni Alden na gusto niyang makasama si Bea sa isang project, na sinabi niya sa dalaga matapos silang makita sa airport noong 2018 para umattend ng Sinulog Festival.