PINAKILIG nina Alden Richards, Mark Herras at Edgar Allan de Guzman ang netizens dahil sa Tiktok post kung saan ay magkakasama ang tatlong gumigiling.
Walang itulak kabigin sa husay sa sayawan ng tatlo.
@markherrasitchybear Ehem!! Dahil verified nko!!! Mr. Pogi at pambansang Bae 👽👽👽 @ea_guzman #AldenRichards #tiktokphilippines #foryou #foryoupage #onevibeph #badboy
Si Mark naman ay kilalang bihasa talaga sa sayawan kaya hindi na nakapagtatakang mangibabaw ito.
Pero hindi nagpatalo si Alden dahil talagang nagpakitang gilas ito sa pagsasayaw.
Sabi nga sa comment ng ilang netizen sa post ni @MarkTheHerras sa Tiktok kay Alden ‘ Hype na Hype si Alden.” May ilang ding netizens ang nangulit kay Alden na magkaroon na ri ng sariling Tiktok account para mas maraming videos nito ang kanilang mapanood.