Matindi ang pangangailangan ng mga taga-Mindanao para maipagpatuloy ang kanilang buhay matapos na danasin ang sunud-sunod na lindol.
Kaya naman marami ang nagkainteres na magpaabot ng tulong.
Para siguradong sa tunay na mga biktima ng lindol mapunta ang donasyon, dapat ay sa mga lehitimong samahan ito idaan.
Narito ang ilang lehitimong samahan na nangangasiwa sa donasyon para sa Mindanao quake victims:
1. Junior Chamber International Philippines Inc.
2. Catholic Bishops Conference of the Philippines News
3. Philippine Res Cross
4. World Vision Philippines
5. Ateneo de Manila
6. Ateneo de Davao University
7. University of the Philippines
8. Earth Shakers PH
9. Philippine Society of Nephrology
Bisitahin lang ang kanilang website para sa dagdag na Impormasyon.