Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang mga ospital kung saan nakaratay ang apat na pasyenteng nagpositibo sa coronavirus.
Sa inilabas na ulat ng DOH kabilang sa mga ospital na pinagdalhan ng mga pasyenteng may COVID-19 ay ang St.Luke’s Medical Center sa Taguig City.
Sa St.Lukes-Taguig umano dinala ang 32-anyos na Pinoy na tinamaan ng coronavirus.
Sa Medical City naman sa Ortigas in-admit ang 86-anyos na American.
Sa Makati Medical Center naman naka-confine ang 38-anyos na Taiwanese na nakumpirma ring may COVID-19.
Ang pinakahuling pasyente na na-admit naman sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City ay isang 57-anyos na isang Pinoy.