Tuwang tuwa ang mga netizen sa pabitin ng isang birthday party sa Brgy. Gumian, Infanta Quezon.
Sa Facebook post ni Vice Mayor L.A Ruanto, shinare niya ang kakaibang experience sa pagsali sa “adult pabitin”.
Sa ordinaryong pabitin, chichirya at laruan ang nakasabit ngunit sa kanilang bersyon ay alak, suka, toyo at mantika ang makikita.
Sey pa ni vice mayor, “Sa lahat ng pabitin, dito lang ata ako makikipag-balyahan. Para sa Tanduay, suka at toyo.”
Pinasalamatan naman ng mga celebrant ang pagtanggap ni vice mayor sa kanilang imbitasyon sa kanilang kaarawan.