Napukaw ang puso ng netizens sa viral photo na nakasulat ang isang mensahe sa wikang Nihonggo na hawak ng isang Japanese airline ground personnel.
“Thank you for riding even in difficult times,” sa salin sa wikang Ingles ng mensahe.
Nagpapasalamat ito sa mga turistang bumibisita sa Japan kahit mayroong banda ng coronavirus (COVID-19).
Binahagi ito ni Facebook user Matyu Kureigu Sero na kanyang ring nakita sa isang Twitter post.
“I saw a post in Twitter. Everyone knows that Japan is struggling to fight back against the spreading coronavirus. A lot of businesses close early in order to control the spread. Although, airlines are still working. A lot of people are canceling their flights but some still continue to fly to travel or work,” caption ng kanyang Facebook post.
“I can say that this is a kind of Japanese hospitality. Maybe that is why a lot of countries loves Japan. Gambare Nippon!” dagdag pa ng netizen.
Sa ngayon ay umanot na sa 41,000 reactions, 17,000 shares at 1,400 comments ang naturang post.
Isa ang Japan sa malubhang naapektuhan ng COVID-19 sa dami ng naitalang kumpirmadong kaso ng virus.