Ai-Ai tinawag na ‘waley’ ang bagong show ni Lee Min Ho

Ai Ai delas Alas King: Eternal MonarchHindi natuwa ang Twitter world tungkol sa reaksyon ni comedienne Ai-Ai delas Alas sa bagong Korean drama ni Lee Min Ho, kaya nag-trending ito.

Sa Instagram post ng komedyana, binahagi nito ang kanyang disappointment at confusion sa plot ng The King: Eternal Monarch.

“THE KING .. sa Netflix kung hindi lang si Lee Min Ho ang bida nito d ako magtyatyagang bigyan to ng chance pero sorry hindi kagandahan itong palabas na ‘to para sa aking panlasa. Masyado ako disappointed. Hindi mo maintindihan ang flow ng Korean novela na ‘to.”

Dagdag pa nito, dapat ay nag-focus ang mga creators ng show sa istorya kaysa sa pera na makukuha sa product placements.

Sa huli ay tinag pa ng komedyana si Lee Min Ho.

“Sorry idol kita. Magaling ka pa din actor pero yung flow ng story waley talaga @actorleeminho.”