Naging ninang ng isang dosena baby si Ai-ai delas Alas ng imbintahan siya sa isang special na binyag sa Quiapo Church nitong Linggo, January 12.
Ang nasabing binyag ay simula ng Holy Birth Day, inilunsad para sa kamalayan ng unang sakramento ng Katolisismo.
“Salamat po radio veritas kasama si BISHOP BACANI AND FATHER ANTON sa pag imbita sa akin bilang NINANG ng bayan .. ito ay proyekto ng simbahang katoliko upang ipaalala sa ating na napakaimportante sa buhay naten ang BINYAG .. hindi tayo makakapasok sa ibang sacramento kagaya ng kasal, communion, pag papari kaya dapat tayo ay nabinyagan .. at para sa lahat nakakatuwa na icelebrate din natin ang ating holy birthday dahil yung araw na yun ay isinilang tayong muli upang makapasok tayo sa kaharian ng DYOS.”