Ai-Ai ‘di aattend ng same-sex weddings

Ai Ai delas AlasNagbigay ng kanyang pananaw ang actress-comedienne Ai-Ai delas Alas tungkol sa same-sex marriage, sa presscon ng kanyang upcoming movie na ‘D’Ninang’.

Sinusuportahan ni Ai-Ai ang same-sex relationship pero hindi ito sang-ayon sa same-sex marriage.

Kapag iniimbintahan siya ng kanyang gay friends sa kanilang kasal, um-oo lang daw siya pero hindi niya ito dinadaluhan.

“Umo-oo ako pero hindi ako uma-attend. Di ako naniniwala diyan, pero mahal ko kayo kaya eto ang pakimkim, ito ang chorva.”

Makikita rin sa Instagram post ni Ai-Ai ang pagsuporta nito sa desisyon ng Supreme Court na pag-deny sa petition ng same-sex marriage sa Pilipinas nitong Lunes, January 6.