Sa haba ng lockdown kahit anong hirap ay naitatawid ang mahahalagang get together.
Katulad na lamang ng isang pasilip na larawan ng aktres na si Eula Valdez sa kanyang Instagram.
Makikita sa IG ng aktres na magkakasama sila ng mga celebrities na nakasama niya sa pelikulang ‘Bagets’.
Nasa larawan kasama ni Eula sina Herbert Bautista, Ramon Christopher Gutierrez at Cheska Iñigo.
Super hanap naman ang mga fans ng ‘Bagets’ movie sa iba pang cast na sina Aga Mulach, JC Bonin, Raymond Lauchengo, Mia Pratts at iba pa.
Gayunman ay hindi malinaw kung throwback ang photo o bago.