Adele may surprise birthday post

Sinurpresa ni Adele ang online community sa kanyang birthday post, na isa ring tribute para sa medical frontliners ng coronavirus.

Adele diet

“Thank you for the birthday love. I hope you’re all staying safe and sane during this crazy time… I’d like to thank all of our first responders and essential workers who are keeping us safe while risking their lives! You are truly our angels…2020 okay bye thanks x,” caption nito sa kanyang Instagram post.

Kapansin-pansin na malaki ang pinagkaiba ng figure ni Adele sa huli niyang post nitong December 2019.

Ayon sa report, nag-calorie controlled diet ang singer gamit ang “green juice” at pagkain nang hanggang 1000 calories lang a day.

Ilalabas umano ang kanyang next studio album ngayong taon, ngunit wala pa ring kasiguraduhan kung ito ay ma-postpone dahil sa coronavirus pandemic.