ABS-CBN franchise aprub sa Kongreso

ABS-CBN CongressSa wakas ay nabigyang panahon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtalakay sa nakabinbing aplikasyon sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ay matapos na aprubahan ng mga miyembro ng Kamara ang inihaing House Bill No. 6732 na nagbibigay sa ABS-CBN ng provisional franchise na balido hanggang Oktubre 31, 2020.

Nangyari ang pagpasa nang mag-convene bilang Committee of the Whole ang Kamara nitong Mayo 13 para talakayin ang prangkisa ng Kapamilya Network.

Ang House Bill 6732 ay ipinasa isanv linggo matapos atasan ang TV network na magsara bilang pagsunod sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Idinaan sa ‘ayes and nayes’ vote ang pag-apruba ng Committee of the Whole ng Kamara sa HB 6732, na nagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN ng hanggang Oktubre 31, 2020, “Providing ABS-CBN with provisional franchise valid until October 31, 2020 will give both the House of Representatives and the Senate to hear the issues being raised for and against the renewal ,and assess with complete impartiality and fairness whether or not the network shall be granted a franchise for another twenty five years. We cannot , in good conscience , sweep the accusation under the rug,” ayon sa pinagtibay na resolusyon.