Tinatayang aabot pa sa isang buwan bago matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter na kinalululanan ng NBA Legend na si Kobe Bryant at walong iba pa sa California.
Kaugnay nito ay binanggit ng pilotong si Kurt Deetz, isa sa mga mga nagpapalipad ng helicopter ng Lakers legend na may warning system ang nasabing aircraft, bukod pa sa GPS.
Gayunman ay iimbestigahan pa ng National Transportation Safety Board (NTSB) investigator Bill English kung may katotohanan ang testimonya ng piloto.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga federal official na walang naka-install na warning system sa helicopter na sinakyan ni Kobe na mag-aalerto sana kung malapit na sa lupa ang aircraft.