Magkakaroon ng comeback ang Swedish group na ABBA matapos ang 38 taon. Ayon sa miyembro nito na si Benny Andersson.
‘[New music is] coming this year. I’m guessing after the summer,‘ pagbabahagi nito.
Dagdag pa ni Benny, kung siya ang magdedesisyon ay sa Setyembre ngayong taon ilalabas ang kanilang kanta.
Kung sakaling matuloy ang kanilang plano, ito ang unang kanta nila matapos ilabas ang huli nilang album na ‘The Visitor’ noong 1981.