Nakalabas na ng ospital ang 95-anyos na lalake na taga-Mandaluyong matapos gumaling ito sa coronavirus.
Si Cresencio Junio ay na-admit sa Mandaluyong City Medical Center.
Sinalubong ng palakpakan si Mang Cresencio ng mga medical staff palabas ng ospital habang hawak ang sign na “I’am a 95 y/o COVID survivor!”
Nitong Sabado, umabot na sa 150 kaso ang naitalong sa lungsod na may 16 patay at 20 ang naka-recover.