Magkakaroon ng stage musical ang 90s teen drama na ‘Tabing Ilog’.
May ilang pahaging ang ABS-CBN Starhunt sa kanilang Twitter account nakapareho ng litrato sa nasabing drama.
Tuwang tuwa ang netizens na fans ng Tabing Ilog sa posibilidad ng magkaroon ito ng remake.
Nagkaroon naman ng official announcement sa nasabing remake dahil sa social media accounts na may pangalang ‘@tabingilogmusical’.
Inere ang Tabing Ilog noong March 1999 hanggang October 2003 sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Paula Paralejo, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree del Valle, Baron Geisler at Kaye Abad.