Nagpositibo sa coronavirus ang 9 na bilanggo at 9 na personnel ng Quezon City Jail, ayon sa anunsiyo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Naka-isolate na ang siyam na inmates sa isang pasilidad sa Payatas, Quezon City at ang mga personnel ay naka-home quarantine.
Ang nasabing city jail ay kayang umukopa ng 800 bilanggo ngunit ngayon ay nasa 3,800 na ang nakakulong dito.
Unang naiulat na mayroong 21 inmates ang naka-isolate simula noong outbreak ng virus ngunit hindi malinaw kung ang kumpirmadong kaso ay kasama sa grupo.