Nadagdagan ang bilang at sumampa na sa 80 katao ang ikinukunsiderang persons under investigation (PUIs) dahil sa hinalang nadale ng novel coronavirus acute respiratory disease o 2019-nCoV ARD.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kaugnay sa patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa mga taong maaaring nakasalamuha ng isang Chinese na namatay sa San Lazaro hospital.
Sinabi rin ni DOH Secretary Francisco Duque na 80% ng mga kinumpirmang kaso ng nCoV sa China ay maikukunsiderang mild.
Ibig aniyang sabihin ay may malaking tsansa ng paggaling ng pasyente.
Ang natitirq namang 20% na pasyente ay may malubhang kondisyon.